Friday, December 25, 2015

The Classic Horror Show


Photo: http://free-images.gatag.net



CHAPTER 1       Gorya

“Bukas pa sana. Bukas pa sana,” dasal ko habang dahan-dahang lumapit sa pinto. Dahan-dahan kong inikot ang doorknob, imikot. Ayos!

First Sem, unang linggo pa lang ng klase.

Sumilip muna bago ako tuluyang pumasok sa classroom. Nasa tabi ng whiteboard ang pinto na nasa harap ng klase kaya kitang-kita ng lahat kung paano ako tiningnan ng masama ng professor.

“Good morning ma’am” binati ko siya at dumiretso sa likurang bahagi ng classroom. Timing may bakante sa tabi ng lalakeng classmate.



“Gregoria Tumusoc!”

Shit! Di pa halos uminit ang puwet ko sa upuan.

“Do you agree with Carl Jung that all of us has its evil side?” deretsang tanong ni Prof. Chiva.

Nagpanic utak ko. Sino nga uli itong Pontio Pilatong si Carl Jung?

Safe answer. “Yes, ma’am, I agree with him.”

“Why do you say so?”

Tang’ina, may karugtong pa pala.

“Because…” napatingin ako sa kisame, hoping na andun ang sagot. May naramdaman ako sa tabi ko, napatingin ako sa note na inabot ng katabi ko. Pangit yung writing pero nabasa ko pa rin.

Desire to harm others.

“Because… man has this… desire to kill… to harm…” narinig ko ang mahinang tawanan ng classmates.

… others, kahit sa isip lang.” 
 
“Are you thinking of harming or killing others at this moment Ms. Tumusoc?”

“Yes…” may tawanan ulit. “I mean, no ma’am.”

“May gusto siyang tusukin, ma’am!” sabat ni Ryan sabay tawa ng malakas.

Tiningnan ko siya ng masama.

“Now, ma’am I have the desire,” sagot ko na nakatingin pa rin sa lokong si Ryan.

Nagreact ang buong klase.

Umupo ako at napasulyap sa katabi, nakangiti din ang gago. Sumimangot ako. Nakalimutan ko tuloy ang note na inabot niya.

“Now, class…” salo ni Prof. Chiva, “sabi ni Jung, isa sa archetypes sa ating collective unconsciousness ay tinawag niyang The Shadow. The evil that we are capable of… the shadow is amoral -- neither good nor bad, just like animals…”

Tumigil si Prof sa pagsasalita, tumingin lang sa klase, hinihintay niyang may magreact.

“The Shadow is innocent."

Binasag ng tunog ng bell ang katahimikan sa loob ng klase. Halos sabay-sabay kumilos ang lahat. Tumayo na rin ang katabi ko, nag-excuse at dumaan sa harap ko.

“Classmate, thank you,” di nya yata narinig dahil sa ingay ng mga kaklase ko, tuloy-tuloy lang itong lumabas ng pinto kasabay ng iba pa.

“Saan ka ba galing at late ka?” tanong ni Teri, classmate ko, the same course din kami.

“Sa bahay. Masarap pa matulog eh,” sagot ko ng nakangiti.

“Alam mo naman kung gaano ka strict si Ma’am Chiva kapag nag uumpisa na siya maglecture.”

“Cr?” yaya ko.

“Puno ngayon, oras ng re-touch ng mga maarte.”

“E di sa faculty cr.”

“Gagah, faculty cr nga.”

“So? Nasa baba naman si Sir Muesco,” ngiti ko.

Nasa dulo lang ng hallway ang faculty cr. Bawal ipagamit ito sa mga estudyante pero kahit ang faculty members miminsan lang din ito ginagamit.

“Samahan na kita, pero sa labas lang ako ha,” si Teri.

“Oo na,” dali-dali kaming nagtungo sa Faculty CR.

Two cubicles lang ang meron dito, kaharap ng dalawang pinto ang lababong may salamin. Isang ilaw lang ang gumagana kaya medyo dim light. Sinubukan ko ang isang cubicle, open. Pumasok na ako at binaba ang pants para umihe.

Narinig ko na may bumukas sa kabilang cubicle. Nag open ng gripo.
Patay! Baka may teacher na gumamit. Mabuti na lng at di ko binuksan ang gripo. Hinintay ko muna na matapos at umalis ang nasa kabila.
Tapos na ako sa personal business ko pero parang di pa tapos ang nasa kabila.

Sa wakas, ini-off na ang gripo at binuksan at sinara ang pinto. Nagbilang ako ng 30 seconds bago ko binuhusan at lumabas sa cubicle.

Sa labas ng cr, andun pa rin si Teri, nagtetext.

“Tagal ha!”

“May teacher kasi sa kabila, baka mapagalitan ako kapag nalaman na dun ako gumamit ng cr,” explain ko.

“Ha? Wala namang pumasok ah,” sabi ni Teri. “Andito lang kaya ako, malalaman ko kung may papasok or wala.”

Nagbell ulit, simula ng next class.

“Tara, ground floor pa tayo,” yaya ko. Nakalimutan na namin ang pinag-usapan.

Maliit lang ang school namin, two storeys lang actually. Balita, dati daw itong machine shop pero namatay yung may ari kaya napilitang magsara. Kung claustrophobic ka, di ka tatagal dito. Ayos rin naman, airconditioned halos lahat ng classroom, kumpleto din ang facilities, may wi-fi pa, iisa yung main entrance-exit. Halos magkakilala ang mga estudyante, di mo man ka-close pero familiar ang bawat isa.

Mura yung tuition, convenient para sa mga pilit ginagapang ang pag-aaral. Di rin naman basta-basta, karamihan mga Professors yung nagtuturo. Dati, TESDA courses lang iniooffer, pero ngayon may Degree courses na rin.

Ewan, baka trip lang talaga ng may-ari na magtayo ng school na mura. Kahit ano pa man ang trip nya, basta, may chance na ko makacollege.
Oo nga pala, katabi namin ang public cemetery.

“Gregoria!”


Shit! Talagang napapamura ako kapag naririnig ko ang buong pangalan ko. Lumingon kami ni Teri. Si Steve, nakangisi. 






No comments:

Post a Comment