CHAPTER III One
Walang schedule na
klase sa Computer Laboratory 1 kapag Friday ng alas-4 hanggang gabi kaya eto
ang chance ni One para makapaglinis at macheck kung anong problema ng mga unit.
Alam niyang may
tatlong units ng computer ang kailangan niyang tingnan base na rin sa request
ng computer instructors.
Working student si
One, at ang Lab 1 ang kanyang assignment. Galing siya sa mahirap lang na
pamilya, magsasaka ang ikinabubuhay. Dahil sa kagustuhang makapag college,
swerteng natanggap bilang computer assistant ng paaralan. Libre tuition fees at
miscellaneous fees, may konting babayarin na lang at allowance ang kanyang
iisipin. Kaya na itong suportahan ng kanyang ate na nasa abroad bilang domestic
helper.
Juan talaga ang pangalan
niya. Pero ayon sa kanya, nasa syudad na siya kaya dapat modern na rin ang
tawag sa kanya.
Isang ilaw lang ang
binuksan ni One, pagtitipid na rin at saka para di siya makita ng ibang
estudyante. Minsan kasi, may mga estudyanteng nagpupumilit pumasok at makigamit
ng computers. Mahirap tumanggi lalo na kapag ka-tropa. May policy na walang estudyanteng
pwedeng gumamit ng laboratory kapag hindi schedule ng klase.
Napatingin si One sa
orasan, malapit nang mag alasais. Okay lang, isang unit na lang ang kanyang
aayusin. Nakikinig siya ng music mula sa Youtube, naka open naman ang Facebook
account nya sa kabilang computer. Nasa kabilang bahagi siya ng room, kaharap
niya ang pinto.
Ang laboratory 1 ay
mayroong 36 units. Magkatabi-tabi ang units ng mga computers. Sa tabi ng
pinto ay may bintanang may salamin, kaya maikikita niya ang mga estudyanteng
dumaraan galing sa library o galing sa kabilang corridor.
Kapag nakatayo ka
naman sa labas at sisilip sa bintana, makikita mo ang isnag hilera ng
computers, kaya ayaw ng mga estudyanteng pumwesto sa tabi ng bintana kasi
makikita kapag nagpi-Facebook lang sila.
Naaliw si One sa
kanyang ginagawa, kaya nung matapos na niya lahat ng units, saka niya napansin na
alas-nuwebe na ng gabi. Alas-siyete hanggang alas-otso ang huling klase. Gutom
na rin siya.
Okay lang na
gabihin, malapit lang ang kanyang boarding house na karamihan ay mg aka-klase
at school mates lang rin niya ang kasama.
Tumunog ang kanyang
cp, inabot nya ito at binasa. Galing kay Bianca:
“Part, diin ka na?”
Napangiti si One. Di
naman siya kinilig kay Bianca. Pero, natuwa siya dahil may naghahanap sa kanya.
Isa-isang ini-off ni
One ang computers na kanyang mga ginamit. Ini-off din ang aircon.
Maya-maya, bumukas
ng bahagya ang pinto, napatingin siya rito. May malamig siyang hangin na
naramdaman. Baka galing sa labas, naisip niya.
Bumukas pa lalo ang
pinto at may sumilip na batang babae, mga 7 to 8 years old, mahaba ang buhok
pero dahil medyo madilim di nya aninag ang mukha.
Di nya ito pinansin,
baka anak ng isang teacher na nag extend ng klase. Kinuha nya ang kanyang bag
at tumawid papuntang pinto.
“Kuya”, tawag ng
bata sa kanya. “Pwede pa-internet?”
“Pauwi na ako eh,
kaninong…?” bago pa nya natanong sumara ulit ang pinto, nakalapit na siya rito.
Agad binuksan ni One at tiningnan kung saan pumunta ang bata.
Nakita nya itong tumakbo
habang kumakanta-kanta pa patungo sa Room F, kanang bahagi ng second floor,
umikot ito sa hallway pakaliwa. Di na nya ito nakita kung saang classroom
pumasok.
Binale-wala ni One
at bumaba para umuwi.
Nag aayos na rin si
Guard.
“Tagal mong bumaba
ah,” bati ni Guard kay One.
“May inayos lang.
Kaninong anak yung batang babae sa taas?” naalala niyang tanong.
“Ha? Wala nang may
klase sa taas ng alas-siyete hanggang alas-otso. Saka walang faculty ang may
bitbit na anak ngayong araw,” kwento ni Guard.
“Pero may batang
babae sa taas,” insist ni Juan.
“Titingnan ko, baka
may dalang chicks sina Dexter,” tumawa si Guard. Stay-in working students sina
Dexter at Beto sa School.
“Sama ako,”
lakas-loob na sabi ni One.
Umakyat sila sa
hagdan na malapit sa gate. Pagdating sa second floor, dumeretso si One patawid
malapit sa Lab1. Si Guard naman sa may AVR dumaan. May malaking square na butas
na may railings kasi ang Second Floor kaya nahiwalay ang daan papuntang Lab1 at
ang daan malapit sa AVR. Nasa tabi ng malaking butas ang Crim Lab Room kaya di makita
ang Room D, E at F. Pero ganun pa man, and dulo ng parehong hallway ay
magkakasalubong sa papuntang tatlong rooms.
Pagdating sa dulong
hallway, patay na ang ilaw ng Rooms E at F, kaya tumuloy si One palapit kay Guard
na kabilang dulo. Nakatayo si Guard sa harap ng Science Lab. Ang Science Lab ay
malapit sa Faculty Cr. Kapag ka sumilip ka sa bintana na naka grills, tanaw mo
na ang isang bahagi ng sementeryo.
Itinuro ni Guard ang
ilalim ng pinto, may liwanag. Bukas ang ilaw sa loob.
Bago pa nakasagot si
One, biglang binuksan ni Guard ang pinto ng Science Lab.
Isang batang babae
ang nakatayo sa teacher’s table, lumingon ito sa kanila, tumawa na parang
nakikipaglaro at biglang lumundag, tumakbo at lumusot sa pader sa tabi ng
bintana patungong sementeryo na parang hangin.
Nagkatinginan si
Guard at One. Kahit namumutla, nagawa pa nilang isara nag pinto pero naiwang
nakabukas ang ilaw sa loob.
Halos patakbo silang
bumaba patungong gate. Di sila makasigaw dala ng sobrang gulat at takot.
“Sino yun…?” Tanong
ni One na kinilabutan.

No comments:
Post a Comment