![]() |
| Photo: |
CHAPTER II Steve
“Buong pangalan
talaga? Di mo sinama apelyido ko”, asar kong bati.
Tumawa lang siya,
“Wag ako ang sisihin mo,” binuksan ni Steve ang pinto at pumasok na kami sa
GF4. Ang GF4 ay nasa likoran bahagi ng building, nasa ground floor. Pader lang
yata ang pagitan, nitso na.
Kaming tatlo pa lang
ang nasa room.
Computer Science ang
course naming tatlo. Marami kami nung freshmen kami pero ng tumagal ay pakonti
na kami ng pakonti. May maintaining grades ang CS at ang hirap ng major
subjects. Yung iba, advised to transfer, yung iba nagkusa ng nagshift ng
course. Ngayong third year na kami, anim na lang kami. Dalawa kami ni Teri ang
babae, at apat na puro pasaway na lalake.
Si Steve ang
kilalang kilabot ng mga First Years. At dahil June, masaya si Steve dahil
maraming bagong enroll.
Pumuwesto kami ni
Teri sa gitna ng room. May bakanteng upuan sa pagitan namin.
Si Steve, umupo sa
harap malapit sa may pinto na hindi isinara. Kinuha nya ang kanyang cellphone
at malamang nagtitext or nag uupdate ng status sa kanyang FB habang nakikinig
ng music. Isinuot kasi nito ang headset.
Ganun din si Teri,
abala din sa kanyang CP. Wala naman akong ka-text at di ako addict sa FB kaya
di na ako naglabas ng CP. Besides, hindi android ang CP ko.
Nakayuko pa rin si
Steve, busy sa cp. Maya-maya, may babaeng pumasok at tumayo sa harap ni Steve.
Bigla itong umiyak.
Walang hikbi na narinig pero tuloy ang luha ng babae. Umangat ang ulo ni Steve.
Humarap sa babae.
Siniko ko si Teri na
naka-headset na pala. Aabangan naming ang dramang mangyayari. Malamang isa ito
sa syinota ni Steve last sem.
Pinanuod ko silang
dalawa. Patuloy ang iyak ng babae. Wala namang ginawa si Steve, nakatingin lang
din ito sa kaharap.
May itsura yung girl,
maputi, wavy yung hair na medyo blond, nagkulay yata. Mapula yung labi, uso
talaga bloody red lipstick. May cute na nunal sa right side malapit sa labi.
Luha pa rin ito ng luha, wala pa ring reaction si Steve.
Biglang pumasok si Sir
Ray kasunod ang tatlong itlog.
“Get one whole sheet
of yellow paper,” sabi agad nito.
Di na kami nagtaka,
ganun talaga si Sir. Di ko na napansin ang pag alis ng girl sa harap ni Steve.
Busy na akong manghalungkat ng bag para maghanap ng ballpen. Manghihingi na
lang ako ng papel.
Lumingon sa amin si
Steve, tinaasan ko siya ng kilay. Ngumiwi lang siya at humarap sa whiteboard.
Sinusulat ni sir ang plate namin for the day.
Natapos ang klase.
“Hoy, manyak,” tawag
ko kay Steve. “Sino na naman yung babaeng pinaiyak mo?”
Ngumiti lang siya.
“Tindi mo Teban,”
sabat ni Justin, na umakbay na sa akin. Sumunod kami kay Steve sa paglabas ng
room.
“Pinaiyak ba?
Pinaiyak sa sarap!” dagdag ni One.
Tawanan ang lahat.
“Manyak ka talaga
Juan,” sabi ni Tere na nakasunod na sa amin.
“Tere, One. ONE!”
Binangga-bangga ni One si Tere na para silang naglalaro ng basketball.
“Letse!”
“Ginutom ako sa
plate ni sir,” sabi ni Samuel.
“Lagi ka namang
gutom Samuel,” sabat ni Sir Ray na di pa pala nakalayo. “Kaya di ka pumapayat
eh.”
“Sir, kung payat ako
at pogi pa, akin na lahat ng chicks.”
“IYD!!!” sabay sabay
naming sigaw kay Samuel.

No comments:
Post a Comment