Friday, February 19, 2016

Walang Pamagat


Photo: wallpaperbeta.com

Papalubog na ang araw.

Mula sa kinatatayuan niya kitang-kita niya ang bawat galaw ng nasa ibaba.

Mabagal ang takbo ng mga sasakyang puno ng mga pagod na katawang nais ng makarating sa paruruonan.

Mabilis ang hakbang ng mga taong gusto nang makatakas sa maingay na kalsada.

Sunday, December 27, 2015

Lecheng Pag-ibig

Photo:  soulmagazine.org

Dear Chix,


Kung kailan ka seseryoso, saka ka gagaguhin...

I wasn't a player but I am not a serious type when it comes to commitment. I haven't had a relationship for quite sometimes, not because I don't want to but because I get tired of chasing around. Aside from that, my former relationship did not end well and caused me a lot of hurt. Instead, I concentrated on my job and the same time, my studies.


The Classic Horror Show Ch3



CHAPTER III     One

Walang schedule na klase sa Computer Laboratory 1 kapag Friday ng alas-4 hanggang gabi kaya eto ang chance ni One para makapaglinis at macheck kung anong problema ng mga unit.

Alam niyang may tatlong units ng computer ang kailangan niyang tingnan base na rin sa request ng computer instructors. 

Working student si One, at ang Lab 1 ang kanyang assignment. Galing siya sa mahirap lang na pamilya, magsasaka ang ikinabubuhay. Dahil sa kagustuhang makapag college, swerteng natanggap bilang computer assistant ng paaralan. Libre tuition fees at miscellaneous fees, may konting babayarin na lang at allowance ang kanyang iisipin. Kaya na itong suportahan ng kanyang ate na nasa abroad bilang domestic helper.

Saturday, December 26, 2015

The Classic Horror Show Ch2

Photo: scandallas.wordpress.com




CHAPTER II      Steve

“Buong pangalan talaga? Di mo sinama apelyido ko”, asar kong bati.

Tumawa lang siya, “Wag ako ang sisihin mo,” binuksan ni Steve ang pinto at pumasok na kami sa GF4. Ang GF4 ay nasa likoran bahagi ng building, nasa ground floor. Pader lang yata ang pagitan, nitso na.
Kaming tatlo pa lang ang nasa room.

Computer Science ang course naming tatlo. Marami kami nung freshmen kami pero ng tumagal ay pakonti na kami ng pakonti. May maintaining grades ang CS at ang hirap ng major subjects. Yung iba, advised to transfer, yung iba nagkusa ng nagshift ng course. Ngayong third year na kami, anim na lang kami. Dalawa kami ni Teri ang babae, at apat na puro pasaway na lalake.


Friday, December 25, 2015

The Classic Horror Show


Photo: http://free-images.gatag.net



CHAPTER 1       Gorya

“Bukas pa sana. Bukas pa sana,” dasal ko habang dahan-dahang lumapit sa pinto. Dahan-dahan kong inikot ang doorknob, imikot. Ayos!

First Sem, unang linggo pa lang ng klase.

Sumilip muna bago ako tuluyang pumasok sa classroom. Nasa tabi ng whiteboard ang pinto na nasa harap ng klase kaya kitang-kita ng lahat kung paano ako tiningnan ng masama ng professor.

“Good morning ma’am” binati ko siya at dumiretso sa likurang bahagi ng classroom. Timing may bakante sa tabi ng lalakeng classmate.

Sunday, February 2, 2014

Gorya

Si Goryo....

Mula sa malayong probinsya ng Iloilo, panganay sa anim na mgkakapatid. Anak ng magsasaka. Lumayas mula sa kanila dala ng katigasan ng ulo at dala ng gustong pagtakas mula sa kahirapan.

Nagsilbi bilang sundalo sa murang edad. Napadpad sa Mindanao.

Nakilala niya ang babaeng naging kahati sa buhay. Nabiyayaan ng apat na anak.




Si Gorya.

Panganay na anak ni Goryo.

Pinag aral. Nabuntis. Pinatawad.

Wala na si Goryo pero andito pa si Gorya.